Pagsuporta sa Local Industry, paraan para buhayin ang turismo sa Bicol-DOT RD Aguas

LEGAZPI CITY – Malaking hamon para kay Regional Director Herbie Aguas ng Department of Tourism (DOT) Bicol ngayon panahon ng pandemya.

Ayon kay Aguas, pagsuporta muna sa local industry ang tanging pamamaraan para buhayin muli ang turismo sa rehiyon bicol.

Aniya, kahit ganito ang sitwasyon ng mga bansa ay hindi dapat lumubog o mapatay ang tourism industry dahil sa malaki rin ang naitutulong nito sa pag-angat ng ekonomiya ng bansa.

Sa panahon ngayon ng pandemya ay local tourist muna ang dapat tangkilikin dahil sa wala naman umano maaasahan na turista mula sa ibang rehiyon o foreign tourist dahil sa mga ipinatutupad na restrictions sa bawat rehiyon.

Dumarami pa kasi ang kaso ng covid 19 at napasukan na rin ng delta variant ang bansa kung kaya’t kailangan higpitan ang bawat border laban sa variant upang hindi tuluyan bumagsak ang turismo sa bansa.

Dagdag pa nito, unti-unti na rin nagsisipagbalikan o bukasan ang tourism industry sa mga locals tulad ng hotels, resorts, farm  at iba pang lugar na tourist destination.

Sinabi ng opisyal, kailangan sundin pa rin ng mga owners at local tourist ang mga restrictions ng bawat LGU upang maiwasan ang local transmission ng Covid-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *