Pagsuspinde sa pag angkat ng sibuyas ng Pilipinas, ikinatuwa ng mga magtitinda sa NCPM

NAGA CITY – Ikinatuwa ng mga magtitinda sa Naga City People’s Mall ang pansamantalang pagsuspinde sa pag aangkat ng Pilipinas ng sibuyas mula sa ibang bansa hanggang sa buwan ng mayo.

Kaugnay ito ng kautosan na ipinaluwas ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na suspendido muna ang pag aangkat ng produkto galing sa ibang bansa.

Anila mas maigi ito upang maiwasan ang karagdagang pagbagsak ng mga presyo ng sibuyas dahil sa labis na supply sa merkado na nagiging dahilan minsan ng pagkalugi ng negosyante, dagdag pa rito mas mabuting tangkilikin ang mga produktong produced ng mga Pinoy na magsasaka.

Sa ngayon ang presyo ng sibuyas sa NCPM ay Sibuyas puti ₱160, Sibuyas pula ₱170.

Umaasa naman ang mga ito sa mas magandang kita hanggang sa susunod na mga araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *