Pagsusumite ng entry para sa DENR Environmental Video Contest pinalawig pa

Pinalawig pa ng Department of Environment and Natural Resources Region 3 at USAID Sibol Project ang deadline sa pagsusumite ng mga entry para sa Environmental Video Contets.

Ang contest ay para sa lahat ng mga college students sa Region 3 na may angking galing sa video-making may kaugnayan sa pag-iingat sa kalikasan.

Mula sa dating deadline na June 20 ay pinalawig ito ngayon hanggang June 28 ng alas sais ng hapon para mabigyan ng pagkakataon ang mga nais na sumali na makapagsumite ng material.

Ang buwan ng Hunyo ay tinaguriang Philppine Environment Month kung saan isa ang aktibidad sa naisipang gawin ng kagawaran.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of text

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *