Pagtaas ng demand sa isda ngayong Semana Santa, ramdam na sa Naga City

NAGA CITY- Unti-unti nang nararamdaman ng mga fish vendor sa Naga City ang pagtaas ng demand sa isda kaugnay ng pag-obserba ng Semana Santa.

Sinabi sa Brigada News FM Naga ni Nenita Domitita, isang linggo bago ang Semana Santa, nakita na nila ang bahagyang pagtaas ng demand sa mga lamang dagat tulad ng hipon, alimango, alimasag at mga isda na gaya ng lapu-lapu, malasugi, talakitok at tanggigi kung kaya’t nakakapaubos na agad sila ng 15 kilo ng mga lamang dagat at isda bawat araw.

Kahit na nga may sapat na supply ng isda sa merkado, napansin na rin ang pagdoble ng presyo ng mga ito at inaasahan na mas tataas pa sa mga susunod na araw.  

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *