PAGTAAS NG KASO NG COVID-19 SA CVMC, IKINAALARMA

Ikinaalarma ng Cagayan Valley Medical Center ang pagtaas ng bilang ng kanilang mga empleyadong nagpopositibo sa sakit na COVID-19.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, sinabi ni CVMC Chief Dr. Glenn Matthew Baggao na pumalo na sa 97 ang bilang ng kanilang mga personnel na nakasailalim sa home quarantine.

Ito ay matapos ang isinagawang contact tracing kung saan kabilang sa mga nagpositibo ang ilang doctors, nursesm mursing aide at ilang staff.

Bukod dito ay mayroon pang 19 na tinamaan ng Covid-19 na ngayo’y naka-confine sa pagamutan at tatlong suspected cases.

Ang mga nagpositibo umano ay pawang mula sa probinsya ng Cagayan.

Dahil dito ay nagpapatuloy pa rin ang skeleton workforce sa mga empleyado ng hospital kung saan pansamantalang isinara din ang outpatient department at binuksan na ang online consultations.

Samantala, umiiral pa rin ang health protocols sa loob ng hospital kung saan ang mga papasok na pasyente at tagabantay ay kinakailangang sumailalim sa rapid antigen test.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *