Pagtaas ng rate ng kuryente ngayong buwan ng Marso, ipinaliwanag ng ALECO

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Albay Electric Cooperative (ALECO) na mayroong pagtaas pagdating sa rate ng kuryente ngayong buwan ng Marso 2023.

Ayon kay ALECO Membership Service Division Chief, Candy Apostol, ito ay dahil sa generation rate na available ngayon sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM).

Aniya, ang kooperatiba ay kumukuha ng kuryente sa WESM kung kaya’t dito rin umaasa kung ilan ang ibibigay nitong rate.

Subalit ang magandang balita naman ay kapag nagkaroon na ng bilateral contract ang ALECO na may isang power supply ay magiging fixed na ang rate ng kuryente buwan-buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *