Pagtalakay sa amendment sa Envi Code, ipinagpaliban

KORONADAL CITY- IPINAGPALIBAN ng Sangguniang Panlalawigan (SP) hanggang sa Abril 18, 2022 ang pagtalakay sa isinusulong na amendment sa Environment Code ng South Cotabato partikular ang pagtanggal sa open pit mining ban.

Sa isinagawang session ng SP noong Lunes, napagdesisyunan ng mga ito kasama ng Committee on Environment na hintayin na lamang muna na matapos ang minutes ng isinagawang public hearings sa bayan ng Tampakan at Koronadal City bago muling talakayin sa plenaryo ang naturang proposal na nasa second reading na.

Sa Abril 18, inaaasahan na maisasama na sa calendar of business sa regular session ng SP ang minutes ng mga public hearings.

Sa pamamagitan din nito, mas mapag-aaralan pa ng mabuti ng mga SP members ang isinusulong na amendments.

Magsasagawa din ang SP ng dagdag na public hearings sa iba pang mga munisipyo lalo’t nakatanggap ang mga ito ng request mula sa iba pang grupo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *