Pagtanggal ng booklet sa mga senior citizen, suportado ng ilang mambabatas

Nanawagan si House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo na tanggalin ang purchase booklet requirement sa mga senior citizens, matapos ilarawan bilang walang silbi at dagdag lang na pasanin sa mga matatanda.

Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Committee of Ways and Means, kinwestiyon ng Kongresista ang booklet at tinanong kung hindi pa ba sapat ang senior citizen ID bilang pagpapatunay.

Tinukoy rin ni Tulfo na karamihan sa mga nakatatanda ay madalas na nakakalimutan ang kanilang mga booklet sa bahay kaya hindi nabigyan ng mga diskwento ng mga business establishment.

Sinang-ayunan naman nina Representative Milagros Aquino-Magsaysay ng United Senior Citizens partylist at Albay lawmaker Joey Salceda ang mungkahi ni Tulfo na ibasura ang booklet.

Binigyang-pansin din ni Tulfo ang mungkahi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na suriin at gumawa ng bagong patakaran para sa diskwento sa senior citizen sa online delivery services at ride-hailing applications.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *