Pagtanggap sa mga fully vaxxed foreign tourist ikinatuwa ng DOT

Kumpiyansa ang Department of Tourism na malaking tulong sa ekonomiya ang desisyon ng gobyerno na payagan makapasok sa bansa ang mga fully vaccinated na mga dayuhang leisure traveller mula sa visa-free countries sa susunod na buwan.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat agad silang makikipag ugnayan sa mga lokalidad, lalo na sa mga tourist destination, para paghandaan ang posibleng pagdagsa ng mga turista sa kanilang mga lugar.

Umaasa si Puyat na tutulong ang mga LGUs para mapabilis ang pagdating ng mga turista sa mga gusto nilang puntahang tourist destination.

Sinabi ng kalihim na ang kanilang hakbang ay nakatuon sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa.

Binigyan diin ni Puyat na kailangan na ring balansehin ang kalusugan at kaligtasan sa ekonomiya sa ginagawa nilang programa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *