Pagtatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos, napapanahon sa gitna ng naitatalang anti-Asian hate crimes sa ibang bansa – Go

Naniniwala si Senador Christopher Bong Go na napapanahon ang pagpasa ng panukalang batas na lilikha sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos (DMWOF) ngayong naitatala ang hate crimes laban sa mga Asyano sa ibang bansa.

Paliwanag ng senador kung mayroon nang DMWOF magkakaroon ng sariling departamento ang mga Pinoy sa abroad na agad nilang malalapitan.

Ang DMWOF ang maging ahensiya na layuning protektahan at isulong ang kapakanan at interes ng mga migrant workers at iba pang Filipinos overseas alinsunod sa Senate Bill No. 2234 kung saan co-sponsor si Go.

Ikinalungkot naman ni Go ang nagyayaring anti-asian hate crimes sa ibang bansa kaya dapat umanong matiyak na protektado ang mga Pinoy sa abroad lalu na’t gusto lang naman ng mga ito na mamuhay ng tahimik.

Kumpiyansa si Go na maipapasa na ang panukalang batas, na umano’y long overdue na dahil matagal na itong ipinangako ni Pangulong Duterte sa mga OFWs na kinikilalang modern-day heroes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *