Pagtatag ng LTO district office sa unang distrito ng Camarines Norte  ganap ng batas bilang Republic Act no. 11815

CAMARINES NORTE- Hindi na kakailanganin pang bumiyahe ng malayo ang mga taga- Unang distrito ng Camarines Norte makarating lamang sa Daet para makapagparenew ng lisensya o dumulog sa LTO

Ito ay dahil sa ganap ng batas bilang Republic Act No. 11815 ang panukalang batas na House Bill No. 2674 na isinulong ni Cong. Josie Baning Tallado na naglalayong magtatag ng LTO District Office sa Unang Distrito na itatayo sa bayan ng Labo.

Sa kasalukuyan ay isa lamang ang District Office ng LTO sa lalawigan kung kaya’t araw-araw ay laging mahaba ang pila sa naturang tanggapan para sa mga nagnanais magrenew ng lisensya at may iba pang transaksyon sa LTO

Ayon sa mambabatas, Ang LTO District Office sa Daet ay masyadong malayo para sa mga mamamayan mula sa mga bayan ng Labo na kailangang bumiyahe ng halos 1 o 2 oras,

Samantalang ang mga Taga Sta Elena ay kailangang bumiyahe ng mahigit kumulang 4 na oras at Ang mga taga- Paracale, Capalonga at Jose Panganiban ay bumibyahe rin ng halos 2 oras makapunta lamang sa nasabing tanggapan.

Paliwanag pa ni Tallado, Bagamat maaaring magpanatili ng satellite or extension office ang LTO sa unang distrito, minabuti nito na magpanukala ng District Office para makapagbigay ng buong serbisyo na hindi maibibigay ng satellite o extension office.

Bukod pa rito ang maibibigay na karagdagang trabaho dahil mangangailangan ng mga personnel na pupuno sa mga kailangang empleyado ng isang LTO District Office.

Minabuti naman na sa Labo ang maging site ng District Office sapagkat kadikit ito ng bawat bayan at ito ang pinakasentro sa unang distrito ng Camarines Norte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *