Pagtatatag ng Department of Disaster Resilience, muling ipinanawagan sa Kongreso

Muling pinabubuhay ni Albay Rep. Joey Salceda ang panukalang layong magtatag ng isang Kagawaran na nakatuon sa pagresponde at pangangailangan ng mga Pilipino sa tuwing mahaharap ito sa mga sakuna.

Ginawa ni Salceda ang panawagan matapos ang naganap na pagsabog ng Bulkang Bulusan sa Sorsogon.

Ayon sa mambabatas, bagamat naniniwala silang makababangon din namang muli ang mga taga-Sorsogon sa epekto ng pagaalburoto nito, mas makabubuti pa rin aniya kung mayroong ahensya ng gobyerno na magpapabilis ng recovery ng mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad.

Paliwanag niya, walang sapat na kakayahan ang mga LGUs sakali mang mayroong mga biglaang emergencies at mga disasters.

Naniniwala si Salceda na sa pagpasok ng bagong administrasyon at ng 19th Congress, mapagtutunan na ng pansin ang mga panukalang kahalintulad ng Department of Disaster Resilience Bill.

Matatandaaang nakalusot na sa Kamara ang DDR Bill, ngunit hindi na umusad pa ang bersyon nito sa Senado.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *