Pagtatatag ng Department of Disaster Resilience, pinamamadali na ng Pangulo

Matapos ang magnitude 7 na lindol sa Abra, pinamamadali na ngayon ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagtatatag sa Department of Disaster Resilience.

Sa pulong balitaan, ipinunto ni Marcos ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang Kagawaran na siyang nakatutok sa mga darating na sakuna sa bansa.

Paliwanag ng Pangulo, hindi lang daw kasi dapat lindol ang dapat paghandaan dahil madalas talagang tinatamaan ng mga kalamidad ang Pilipinas.

Maliban sa lindol at bagyo, pinangangambahan din nito ang umiiral na matinding heatwave sa Europa.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *