Pagtatatag ng “Sangguniang Kabataan Hubs,” isinusulong sa Kamara

Inihain nina 4Ps Party-list Representative JC Abalos at Sultan Kudarat Representative Bai Rihan Sakaluran ang isang panukalang batas para sa pagtatayo ng “Sangguniang Kabataan Hubs” sa bawat barangay.

Batay sa House Bill 9712, magsisilbing SK Office and Activity Center ang mga SK hubs at venue para sa capacity-building training, seminars, implementasyon ng mga programa at SK-initiated events.

Ipinaliwanag nina Abalos at Sakaluran na mayorya ng SK officials ay walang sariling gusali para magsagawa ng pagpupulong upang talakayin at planuhin ang iba’t ibang usapin tulad ng kalusugan, edukasyon, economic empowerment, social inclusion, security, governance, active citizenship at isyung pangkalikasan.

Kapag naisabatas ay magkakaroon anila ng “safe spaces” ang mga kabataang opisyal.

Giit pa ng mga kongresista, mas makapagtatrabaho nang maayos ang SK officials kung may sarili silang opisina.

Nagiging mas makabuluhan umano ang partisipasyon ng mga kabataan kapag may sariling hub para sa epektibong pangangasiwa ng resources at pagganap sa tungkulin lalo na sa youth-oriented programs.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *