Pagtatayo ng korte sa 10 embo brgys, pinamamadali ni Mayor Binay

Pinamamadali na ni Makati Mayor Abby Binay ang mga mambabatas para makagawa ng karagdagang korte na sasalo sa mga kaso mula sa 10 embo barangays na hawak na ng Taguig City.

Ayon kay Binay, sa ngayon mga Metropolitan at Regional Trial Courts ng Makati ang ginagamit pa rin ng taga-embo alinsunod sa reolusyon na ibinaba ng Korte Suprema.

Gayunman, pansamantalang solusyon lamang aniya ito at dapat nang asikasuhin ng Taguig.

Bukod sa abala sa sangkot sa kaso ay makakaapekto ito sa operasyon ng Makati City hall sa pagdagsa ng mga bisita na magdudulot ng karagdagang gastos sa siyudad.

Para sa alkalde ng Makati, nakapagtataka kung bakit wala pang aksyon ang Taguig dahil may pondo naman sila at sinabing handa sila para sa take-over.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *