Pagtugis sa iba pang suspek sa Masbate landmine explosion, tuloy – Eleazar

Tiniyak ni Philippine National Police chief Gen. Guillermo Eleazar na tuloy-tuloy pa rin ang isinasawagang operasyon ng mga kapulisan para habulin ang mga miyembro ng New Peoples Army na nagtanim ng landmine sa Masbate na nagresulta sa pagkamatay ng FEU football player at nang pinsan nito.

Ginawa ni Eleazar ang pahayag matapos ang naging operasyon kahapon ng pinagsanib na pwersa ng tropa ng Scout Platoon ng 9th Infantry Division ng Phil. Army at PNP sa tinatayang 30 NPA sa Brg.y Anas, Masbate City.

Matapos ang halos labing-limang minutong palitan ng putok, narekober ng mga tropa sa encounter site ang labi ng 3 hinihinalang NPA members, at 16 na mga matataas na kalibre ng armas.

Sinabi ni Eleazar na bagama’t welcome sa kanya ang pag-amin ng CPP-NPA sa ginawang kremin, patuloy nilang tutugisin ang mga nasa likod ng landmine explosion sa Masbate.

Inihayag naman ng PNP Chief na sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon at pagkatapos umano nito isusunod agad nila ang paghahain nang kaso laban sa mga bandidong kriminal na nagsasagawa ng karumaldumal na aksyon laban sa mga sibilyan at gumagamit pa ng landmine.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *