Pagsusuot ng face mask at social distancing makakabawas sa panganib na dapuan ng Pertussis

CAMARINES NORTE РIminungkahi ng Provincial Health Office ang pagsusuot ng facemask kapag nasa mataong lugar sa gitna ng banta ng pertussis o ­whooping cough

Bukod sa pagsusuot nito, mas mainam daw kung gagawin pa rin ang social distancing measure at pag- iwas sa mataong lugar.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Franciso, hindi na ito mahirap gawin dahil dati na itong nagawa noong panahon ng COVID- 19 pandemic.

Ang mga bata aniya ay prone sa sakit na ito kaya kailangang protektado ang mga ito sa pamamagitan ng bakuna.

Malaki rin ang posibilidad na ma- trigger ng mainit na panahon para magkaroon ang isang tao ng pertussis.

Payo pa ni Franciso na huwag basta uminom ng gamot sa ubo kundi mas mainam na magpakonsulta muna sa doktor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *