Pahayag na natural causes ang sanhi ng landslide sa Davao de Oro, sinalag ng ATM

Kalahating tunay at kalahating hindi.

Ito ang naging pahayag ng Alyansa Tigil Mina (ATM) kasunod ng sinabi ni Mines and Geosciences Bureau (MGB) na natural causes ang dahilan ng nangyaring landslide sa Mindanao at walang kinalaman sa mga minahan sa lugar.

Sa panayam ng Brigada NewsFM kay ATM National Coordinator Jaybee Garganera, sianbi nitong wala namang kekwestyon na dahil sa ulan ang insidente pero hindi dapat ipagsawalang bahala ang aktibidad ng pagmimina.

Dahil dito, nanawagan si Garganera sa pamahalaan sa gobyerno na ipaliwanag sa mga lokal na pamahalaan na may mga lugar talagang mayroong mataas na banta ng landslide.

Dapat umanong kumbinsihin ng gobyerno ang mga mining companies at LGUs na huwag nang magtayo o gumawa ng mga peripheral activities malapit sa kanilang minahan.

Nararapat aniyang matiyak na walang tao at mga tirahan na malapit sa lugar kung saan nangyayaring ang mining activities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *