Pahayag ng BFAR hinggil sa issue ng cyanide, late na late na raw

Iginiit ni Pambansang Lakas ng Kilusan ng mga Mamalakaya sa Pilipinas National President Fernando Hicap na ‘overdue’ na ang naging pahayag ng BFAR kaugnay sa paggamit ng mga dayuhan sa cyanide na sumisira sa mga yamang dagat sa West Philippine Sea (WPS).

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay Hicap, sinabi nitong matagal na itong nangyayari.

Mariing sinabi rin ng opisyal na dapat noon pa nagsalita ang ahensya hinggil sa naturang issue.

Maliban sa usapin ng cyanide, nanindigan si Hicap na dapat ay nahaharang na agad ng kinauukulang ahensya ang mga dayuhan sa sandaling makita ang pagpasok ng mga ito sa teritoryo ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *