Pahayag ng China kaugnay umano’y ‘indisputable sovereignty’ nito sa ilang isla sa West Philippine Sea, pinalagan ng AFP

Pumalag ang AFP sa pahayag ng China kaugnay umano’y ‘indisputable sovereignty’ nito sa ilang isla sa West Philippine Sea.

Ito ay kasunod ng matagumpay na resupply mission ng Pilipinas sa mga sundalo na naka destino sa BRP Sierra Madre noong October 4.

Sa Saturday News Forum, sinabi ni AFP spokesperon Col. Medel Aguilar, na sa ilalim ng UNCLOS walang claim ang China sa WPS.

Hindi rin raw kinikilala ng arbitral award ang claim ng China at maraming bansa ang nagpapahayag ng suporta sa Pilipinas sa rules based international order habang wala naman ni isang bansa ang bukas na nagpapahayag ng suporta sa ginagawang aksyon nito sa WPS.

Maaalalang binatikos ng China ang umano’y iligal at wala umanong pahintulot na pagpasok ng mga barko ng Pilipinas sa Ayungin shoal nang isinagawa nito ang resupply mission kamakailan sa BRP Sierra Madre.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *