‘Pahayag sa Midya’ ng BHB-CMC na may dinukot na tatlong sibilyan sa Donsol, Sorsogon ‘kasinungalingan at gawagawang akusasyon’ ayon sa 31st IB

SORSOGON CITY – ‘Kasinungalingan at gawagawang akusasyon,’ ito ang mariing sinabi ng commander ng 31st Infantry Battalion na si Ltc Eric Culvera sa panayam ng Brigada News FM-Sorsogon.

Ang mga sibilyan umano na nabanggit ng hukbo ay kusang lumapit sa mga sundalo at nagbigay ng pahayag sa pagkondena sa ginawang pang-aabuso at panggigipit sa kanila ng rebeldeng grupo.

Paliwanag pa ng opisyal, si Antonio Razo Jr., na isa sa nabanggit sa kalatas na detenido umano ng mga sundalo, ay siyang may ari ng lupa na pinagkutaan ng mge rebelde, bago ito nakubkob ng mga sundalo noong Linggo, Hunyo 6 sa Brgy San Francisco ng nabatid na bayan.

Sa salaysay ni Razo, sapilitan umanong inagaw sa kanya at ng kanyang mga tauhan ang nasabing lupa na kanilang pinagkokoprahan, kung kaya’t nakikopra na lang umano sila sa ibang koprahan para may makain at mabuhay.

Una rito, nagpalabas ng kalatas sa midya ang Bagong Hukbong Bayan-Celso Minguez Command na may tatlo umanong sibilyan na dinukot at detenido ng mga sundalo makaraang makubkob ng mga ito ang isang kuta sa nabanggit na barangay.

Bunsod nito, nanawagan si Ltc Culvera sa mamamayan na maging mapagmatyag at ugaliing mag-fact check sa mga pinapalabas na impormasyon o inilalathala ng rebeldeng grupo na puro lamang umano kasinungalingan at paninira sa kanilang hanay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *