Painting materials, ipinamahagi sa mga paaralan sa Koronadal

KORONADAL CITY – 53 na mga paaralan na kinabibilangan ng elementary, high school at senior highschool sa lungsod ng Koronadal ang nakatanggap ng painting-supplies mula sa city government.

Sa panayam ng 95.7 Brigada News FM Koronadal kay OIC Division Superintendent Roberto J. Montero ng DepEd Koronadal City Division kung saan maraming pintura at supplies ng LGU sa mga eskwelahan.

Ayon kay Montero, na hindi lamang dapat pagbasa ang i-revive, ngunit kalakip din dapat ang pagpapagandan sa bawat paaralan sa lungsod. Nagmula naman sa Special Education Fund o SEF ang pondo kung saan pinangunahan nina City Mayor Eliordo Ogena, City Councilor Ma. Ester Marin Catorce, chairperson ng Committee on Education ng Sangguniang Panlungsod o SP at City Councilor Mark Lapidez bilang miyembro ng komitiba.

Sa pamamagitan nito, umaasa si Montero na mayroong maliit na transformation o pagbabago sa mga paaralan sa lungsod. Kakilang sa natanggap ng mga ito ay ang 1,285 gallons ng Latex white paint; 982 ka gallons ng Enamel white paint; 246 gallons ng roof paint; 4pieces ng paint roller; at 648 ng pieces ng tornado mop.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *