Pakikiisa ng Pilipinas sa mandato ng UN kaugnay ang climate change, tiniyak ni DFA Sec. Manalo

Wi-nelcome ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo si UN Special Rapporteur for climate change Ian Fry, kasabay ng 10-araw na pagbisita nito sa Pilipinas.

Sa kanilang pagpupulong, tinalakay ni Manalo ang mga hakbang ng pamahalaan para sa climate change sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos.

Binigyang-diin din ng opisyal ang kahalagahan ng tungkulin ni Fry sa pag-promote ng global discussions at consesus sa mga usapin gaya ng climate finance, kabilang ang loss-and-damage financing mechanism – bagay na isinusulong aniya ng Pilipinas.

Tiniyak naman ni Manalo sa UN official ang suporta ng Pilipinas sa kanyang mandato.

Nangako rin ito na makikipagtulungan ang Pilipinas sa agaran at makabuluhang Conference of Parties.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *