Pakikiisa sa talakayan kontra gender-based violence, binigyang diin ng PNP Caramoan

CAMARINES SUR- Makibahagi at makiisa sa mga talakayan, ito ang binigyang diin ng mga awtoridad sa bayan ng Caramoan, Camarines Sur sa kanilang isinasagawang programa katuwang ang ADRA Philippines Project Together tungkol sa mga nangungunang isyung kinakaharap ngayon ng kabataan na may kaugnayan sa sexual and reproductive health at karahasan.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga sinabi ni Police Leutenant Albert Joven  ang Deputy Chief of Police ng nasabing bayan, na matutulungan nito ang kabataan upang magkaroon ng kamalayan sa mga batas at karapatan na kanilang dapat matamo. Kabilang na ang paraan upang makaiwas sa karahasan at mapanatili ang maayos na kalusugan.

Dagdag pa ng opisyal, malaking tulong rin ang hakbang na ito para sa kabataang hindi nakakapag-aral ngayon, dahil libreng maibabahagi sa kanila ang mga kaalamang dapat nilang malaman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *