Pakikipagkasundo ng gobyerno sa Pfizer, malapit nang matapos ayon kay Galvez

Ibinahagi ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez sa briefing na kasama si Pangulong Rodrigo Duterte na inaasahan niya na may mabubuong kasunduan ang gobyerno kasama ang Pfizer para sa delivery ng COVID-19 vaccines.

Sinabi ni Galvez na oras na maisapinal na ang kasunduan, ay tinatayang nasa 40-million Pfizer COVID-19 vaccine doses ang made-deliver dito sa bansa.

Ipinunto ni Galvez na inasaasahan niyang made-deliver ang humigit-kumulang 15-million doses sa third quarter habang ang natitira naman ay made-deliver sa fourth quarter.

Matatandaan na kabilang sa mga vaccine brans na nai-deliver na sa Pilipinas ay ang Sinovac, AstraZeneca, Pfizer-BioNTech, at Sputnik V.

Sa kasalukuyan ay naitala ng bansa ang nasa mahigit 1.26-million na kaso ng COVID-19 kabilang na ang mahigit 1.18-million na recoveries, at 21, 898 na fatalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *