Pakikiramay, bumuhos sa pagpanaw ni dating pangulong Noynoy

Dumagsa sa Heritage Memorial Park sa Fort Bonifacio sa Taguig City ang mga kaanak at malalapipt na kaibigan ng pamilya Aquino para magpahayag ng pakikiramay sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Naroon na sa Heritage Park kung saan dadalhin ang mga labi ng president sina dating DFA Sec. Albert del Rosario, Vice President Leni Robredo, pati na ang kapatid ng dating pangulong Noynoy na si Pinky Aquino-Abellada.

Bumuhos ang pakikiramay mula sa mga opisyal ng gobyerno tulad ng mga mambabatas sa House of Representatives.

Ayon kay House Speaker Lord Allan Velasco, ikinalulungkot ng Kamara ang pagpanaw ng dating pagulo.

Sinabi naman ni House Majority Leader Ferdinand Martin Romualdez na nawalan ang bansa ng lider na may integridad na ginawang misyon ang i-institutionalize ang reporma para sa good governance.

Para naman kay Deputy Speaker Mujiv Hataman, nawalan sya ng kaibigan at pinuri ang pagiging simple at humble ni PNoy noong sya ay nanungkulangan bilang pangulo kung saan tinrato nyang boss ang mga Pilipino.

Nagpahayag na rin ng pakikiramay sina Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy, Ako-Bicol party-list Representative Alfredo Garbin Jr., at Agusan del Norte Lawrence Fortun sa Aquino family.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *