Palakang may pangil, nadiskubre ng mga scientist sa Southern Leyte

Southern Leyte, PHILIPPINES—Naaalala niyo ba ang sikat na kanta ng rapper na si Andrew E. na may titulong “Sa Silong ni Kaka?” Nabanggit kase sa kantang yun ang tungkol sa taong nakadapa at naninilip raw ng palaka, palakang may buhok at ipin na nakalubog. Nakuu baka kung ano pang isipin niyo!

Kung sa kanta kasing yan nakalubog ang ngipin ng palaka, alam niyo ba na sa Southern Leyte partikular sa Nacolod Mountain Range, isang bagong specie ng palakang may pangil ang nadiskubre ng mga siyentipiko?  

Ang uri ng palakang ito na may scientific name na “Limnonectes beloncio”  ay natagpuan ng isang grupo ng mga scientist habang sila ay nagsasagawa ng biodiversity forests assessment sa kagubatang bahagi ng nasabing lugar.

Ito umano ay kabilang sa grupo o pamilya ng mga palakang tinatawag na “Platymantis hazelae” na sa unang pagkakataon ay natagpuan sa kapuluan ng Mindanao.

Photo Courtesy:  BioOne) | via DENR Davao

Noong una, inakala ng mga eksperto na ito ay katulad lamang ng Palawan frog o “Limnonectes acanthi” ngunit kanilang nadiskubreng ibang uri ito ng palaka.

Ayon sa Department of Environment and Natural Resources, ginagamit ng naturang palaka ang pangil nito bilang pandepensa sa mga predators at panlaban sa mating sites.|| JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *