Palarong Bicol silver medalist team ‘Mighty Maroons’ nakatanggap ng tig P2K mula sa LGU Bulan

Pinagkalooban ng tig-P2K ng Lokal na Pamahalaan ng Bulan ang mga manlalaro ng Team Mighty Maroons mula sa Bulan South Central School.

Kasunod ito ng kanilang courtesy call kay Mayor Romeo Gordola  matapos na masungkit ang silver medal sa basketball sa katatapos lamang na Palarong Bicol 2024.

Bagama’t hindi pinalad na makuha ang kampeonato labis ang pasasalamat ng alkalde sa nasabing mga atleta sa pagsisikap ng mga ito na makapagdala ng karangalan sa kanilang bayan kasabay ng pagtiyak na patuloy at buo ang suporta ng LGU sa lahat ng mga atletang Bulaneño.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *