Palaspas for the barangay?

“Isang wagayway, taboy ang masasamang elemento at espiritu.”

Kinagigiliwan muli ng mga netizen online ang litrato ng isang nanay habang hawak-hawak nito ang kaniyang dalang palaspas sa isang misa. Kapansin-pansin kasi ang kakaibang laki at haba nito kumpara sa ilang palaspas na makikita rin sa naturang litrato.

Sabi ng ilan, pang buong barangay na raw ang palaspas na pinabendisyunan ni Nanay.

Dagdag pa ng iba, plus 10 raw si nanay sa langit.

Sa paggunita ng mahal na araw, isa ang linggo ng palaspas sa ipinagdiriwang ng mga kapatid nating Kristiyano. Ito ang ika-anim at huling Linggo ng Kuwaresma bago ang Pasko ng pagkabuhay ni Kristo hudyat ng pagsisimula ng mahal na araw. Sa ngayon nasa higit 120K reactions at 40K shares na ang nasabing post. ### JEREMY LESNIANA, Intern

Image: Photo From Web

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *