Palasyo: Duterte, di pa fully vaccinated; PSG chief, misinformed lang

Nilinaw ng Palasyo na hindi pa fully vaccinated si Pangulong Rodrigo Duterte laban sa COVID-19, taliwas sa pahayag ni Presidential Security Group (PSG) chief Jesus Durante III na natanggap na ng pangulo ang kanyang second dose ng bakuna.

Mababatid na sinabi ni Durante na natanggap ng pangulo ang ikalawang dose ng China-made Sinopharm COVID-19 vaccine, 14 na araw matapos ang kanyang first dose noong May 3.

Pero ayon kay presidential spokesman Harry Roque, mistakenly informed lang ang PSG chief ng kanyang mga medical staff.

Kaugnay nito, inamin naman ni Durante ang naturang pagkakamali at humingi ng paumanhin, kasabay ng pagbawi ng kanyang naunang pahayag.

Sa ngayon, wala pang impormasyon ang Palasyo kung kailan tatanggap ng second dose ang punong ehekutibo. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *