Palasyo: Duterte walang pangako muling babawiin ang WPS, sa halip…

Nanindigan ang Malacañang na walang pangako si Pangulong Rodrigo Duterte na bawiin ang West Philippine Sea at sa halip ay nangako lang ito na sabihin sa China na kilalanin ang sovereign rights ng bansa.

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, hindi ipinangako ni Duterte na maibabalik niya ang mga teritoryong nawala sa bansa dahil sa kagagawan ng ibang tao at ibang administrasyon, sa halip sinabi lang nito na hilingin sa China na kilalanin ng sovereignty at sovereign rights, bagay na ginagawa naman umano niya.

Matatandaan na bago ang kanyang presidential victory noong 2016, sinabi ni Duterte na sasakay siya ng jet ski papunta sa disputed areas sa West Philippine Sea at itatayo ang bandila ng Pilipinas doon.

Pero matapos nito, sinabi ng pangulo na huwag asahan ng publiko na gagawin niya ang kanyang pahayag bilang ito ay hyperbole lang para ipakita ang kanyang stance na hindi isusuko ng gobyerno ang anumang teritoryo sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *