Palasyo, humiling ng pang-unawa sa pagkambyo re: NCR quarantine status

Humingi ng pang-unawa sa publiko ang Malacañang matapos na bawiin ng gobyerno ang desisyong i-pilot testing na ang granular lockdowns sa Metro Manila na nagdulot ng kalituhan sa publiko lalo na sa mga negosyante. 

Kung matatandaan, dapat ay ibababa na sa general community quarantine (GCQ) at pilot granular lockdowns ang Metro Manila kung saan limitado ang paggalaw sa mga lugar na mayroong mataas na COVID-19 cases. 

Nirecall ng IATF ang desisyon at sa halip ay inextend ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa rehiyon sa gitna ng patuloy na pagtaas ng kaso ng virus. 

Ayon kay presidential spokesperson Harry Roque, nagpapatuloy ang diskusyon para sa nasabing status.

Layunin aniya ng pamahalaan na magbigay ng pinakamabisang alternatibo sa hard lockdown kaya di magiging madali ang proseso nito.

Mababatid na matapos ang pag-kambyo ng Palaso, inaprubahan din nito ang pilot run sa Metro Manila ng bagong strategy na magpapatupad ng ECQ o GCQ na mayroong alert system na target ipatupad sa September 16.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *