Palasyo, itinagging pinabayaan ng gobyerno ang Mindanao sa COVID-19 response

Mariing itinaggi ng Palasyo ang akusasyon ni Deputy Speaker Rufus Rodriguez na pinabayaan ng gobyerno ang Mindanao sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Ito ay matapos na tahasang pinatutsadahan ng mambabatas si vaccine czar Carlito Galvez Jr., sa briefing ng House Committee on Mindanao Affairs dahil sa kawalan umano ng concern ng opisyal sa pagtugon sa tumataas na kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

Giit ng kongresista, marami na sa kanyang mga nasasaupan sa Cagayan de Oro ang nasawi na dahil sa COVID-19 at di man lamang sya nireplyan ni Galvez nang dalawang beses nya itong padalhan ng liham para manghingi ng adisyunal na suplay ng COVID-19 vaccines.

Ayon kay Roque, ang pagtaas ng COVID-19 cases sa Mindanap ay di dahil sa kawalan ng response ng gobyerno, ito’y dahil hindi nagpatupad ng modified enhanced community quarantine (MECQ) at ECQ doon kaya bumaba ang compliance ng mga tao sa minimum public health standards.

Bukod dito, pantay naman ang distribusyon ng COVID-19 vaccines sa buong bansa dahil kahit na nag-focus ang gobyerno sa NCR Plus kung saan na-detect ang karamihan sa COVID-19 cases, 38 percent lamang ng mga bakuna ang napunta rito at ang nalalabi ay ikinalat na sa buong bansa.

Mababatid na tinukoy ng OCTA Research ang ilang lungsod sa Mindanao bilang areas of concern dahil sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 cases, kabilang dito ang Cagayan de Oro, General Santos, Koronadal, Cotabato at Davao City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *