Palasyo, kulang ang mga pinasang financial reports – Hontiveros

Hinimok ni Senator Risa Hontiveros ang Commission on Audit na magsagawa ng special audits sa P570-billion expenditure sa ilalim ng mga batas na Bayanihan to Heal as One Act (Bayanihan 1) at Bayanihan to Recover as One Act Bayanihan 2 na parehong ipinasa bilang tugon sa COVID-19 pandemic.

Sa Proposed Senate Resolution No. 710 ay isiniwalat ni Hontiveros na kulang ang mga ipinasang financial reports ng Malacañang kaugnay sa pondo na nasa ilalim ng Bayanihan 2 na ginamit ng gobyerno.

Nakalagay sa Section 14 ng Bayanihan 2 na kailangan ng Office of the President na maglabas ng report tuwing first Monday ng bawat buwan.

Ipinunto ni Hontiveros na ang huling financial report na naisapubliko ay noong January 4, 2021 pa.

Iginiit senadora na ngayon pa hindi malalaman ng mga Pilipino kung saan napunta ang ating pera kung kailan matindi ang pagsirit ng mga kaso ng COVID-19.

Binigyang diin ni Hontiveros na iresponsable at ilegal ang hindi pagsasapubliko sa financial reports sa gitna ng krisis.

Inihayag rin ni Hontiveros na krusyal na ma-evaluate ng senado ang gastos ng gobyerno habang papalapit ang budget deliberations.

Leave a Reply

Your email address will not be published.