Palasyo, pinamamadali ang encoding ng vaccine status ng mga vaccinees sa system ng DICT

Hinimok ni Cabinet Secretary Karlo Nograles ang mga lokal na pamahalaan na bilisan ang encoding ng impormasyon ng mga nabakunahan na sa verification database system na ginawa ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Sa isang panayam, ibinunyag ni Nograles na gumawa na ang DICT ng Vaccine Information Management System (VIMS) para sa verification ng vaccination status ng isang indibidwal.

Ayon sa kalihim, kailangang madaliin ang paglagay ng impormasyon sa database para magamit na ang vaccination card na iisA para sa lahat na digital na at mayroong QR code.

Sa oras aniya na magawa ang central database, mas magiging madali na para sa mga LGUs na ma-verify ang status ng indibidwal dahil smartphone o printed copy ng QR code lamang ang kinakailangan. 

Posible umanong gamitin ang nasabing system pag bi-biyahe abroad ang mga Pilipino.

Sa ngayon, nakikipag-coordinate ang gobyerno sa World Health Organization (WHO) para sa guidelines kaugnay ng international verification system para sa COVID-19 vaccinations na mahalaga para sa deployment ng overseas Filipino workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *