Palasyo: Resurgence ng COVID-19 sa ibang mga bansa, di dahil sa brand ng bakuna

Binigyang diin ng Malacañang na ang mga napaulat na resurgence sa mga kaso ng COVID-19 sa ibang mga bansa ay posibleng dahil umano sa false sense of security at hindi dahil sa brand ng bakuna.

Ito ang tugon ni presidential spokesperson Harry Roque kaugnay sa napaulat na resurgence ng COVID-19 sa mga bansa na karamihay gumagamit ng COVID-19 vaccines mula sa China.

Giit ni Roque, maging ang mga bansa na gumagamit ng Western-made vaccines ay nakakaranas rin ng resurgence.

Sa ngayon, nasa 7.5 million doses na ng Chinese drug firm Sinovac Biotech’s COVID-19 vaccine, CoronaVac, ang natatanggap ng Pilipinas kabilang na ang 1 million doses na naideliver noong Huwebes. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *