Palasyo sa mga OFWs: Samantalahin ang pagpabakuna vs COVID-19 sa host country

Hinimok ng Malacañang ang mga overseas Filipino workers na mag-avail ng COVID-19 vaccine sa bansa kung saan sila nagta-trabaho, sakaling available ang kanilang piniling bakuna.

Ang panawagan ni Presidential Spokesperson Harry Roque ay kasunod na may ilang bansa ang magre-require sa workforce sa kanilang huridiskyon na mabakunahan laban sa COVID-19.

Pagbabahagi pa ni Roque na batay umano sa motto ng buong mundo, hindi pa ligtas ang isang indibidwal, hangga’t hindi pa ligtas ang lahat.

Samantala, sa ngayon, tanging 3,540,600 doses palang ang suplay ng COVID-19 vaccine ng Pilipinas, kung saan 1,562,815 indibidwal na ang nabakunahan ng first dose, habang 246,986 katao ang naka-kompleto na ng two doses ng COVID-19 jab. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published.