Local News

Palaweñong OFW, ginugutom umano ng among babae sa Saudi Arabia

Nagpasaklolo sa Brigada si ginoong Daniel Jagmis ng Barangay San Jose sa Puerto Princesa nitong Sabado, May 6, 2023.

Ayon sa kanya, ginugutom kasi ng among babae ang kanyang asawa na si Melissa Jagmis sa Saudi Arabia kung saan ito nagtatrabaho bilang kasambahay.

Dalawang buwan pa lamang umano ito doon at noong una ay maganda naman daw ang pakikitungo sa kanya ng dalawang amo ngunit nitong nakalipas na Linggo ay pinagtataguan na ito ng pagkain.

Iginiit ni Melissa na wala siyang nagawa na dahilan para magalit o pagtaguan siya ng pagkain.

Nag-aalangan raw si Melissa na sabihin ang totoo sa amo nitong lalaki dahil natatakot siya sa among babae.

Maliban kay Melissa, may isa pang Palaweñong babae ang kasama nito roon na nakararanas ng matinding gutom kaya nais na nilang umuwi na lamang sa Palawan.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa employment agency ni Melissa para alamin ang estado nito sa Saudi.

BNFM Palawan

Recent Posts

Higit P350K iligal na droga, nasabat ng Pulis Kasanggayahan noong Abril

Mahigit P350K halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng Sorsogon Police Provl Office (SPPO)…

8 mins ago

NSC – ‘di raw iimbestigahan ang nagdaang administrasyon

'Not worth investigating' Ganito inilarawan ni National Security Council (NSC) assistant director-general Jonathan Malaya ang…

10 mins ago

School feeding program 2027, isusulong sa lungsod ng Cauayan

Isusulong ng United Nations (UN) World Health Programme katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Cauayan…

10 mins ago

Suspensyon ng on-site classes sa hapon ng mga mag-aaral sa Cauayan City, magpapatuloy

Magpapatuloy hanggang ika-31 ng Mayo taong kasalukuyan ang suspensyon ng on-site classes ng mga mag-aaral…

12 mins ago

Organic agricultural sector sa Nueva Vizcaya, palalaguin pa

Nagkasundo ang Department of Trade and Industry Region 2 at Local Government Unit ng Kayapa…

15 mins ago

Panukalang amiyenda sa Rice Tariffication Law, aprubado na sa committee level sa Kamara

Lusot na sa House Committee on Agriculture and Food ang mga panukalang batas na mag-aamiyenda…

18 mins ago