Palaweñong OFW, ginugutom umano ng among babae sa Saudi Arabia

Nagpasaklolo sa Brigada si ginoong Daniel Jagmis ng Barangay San Jose sa Puerto Princesa nitong Sabado, May 6, 2023.

Ayon sa kanya, ginugutom kasi ng among babae ang kanyang asawa na si Melissa Jagmis sa Saudi Arabia kung saan ito nagtatrabaho bilang kasambahay.

Dalawang buwan pa lamang umano ito doon at noong una ay maganda naman daw ang pakikitungo sa kanya ng dalawang amo ngunit nitong nakalipas na Linggo ay pinagtataguan na ito ng pagkain.

Iginiit ni Melissa na wala siyang nagawa na dahilan para magalit o pagtaguan siya ng pagkain.

Nag-aalangan raw si Melissa na sabihin ang totoo sa amo nitong lalaki dahil natatakot siya sa among babae.

Maliban kay Melissa, may isa pang Palaweñong babae ang kasama nito roon na nakararanas ng matinding gutom kaya nais na nilang umuwi na lamang sa Palawan.

Samantala, nakikipag-ugnayan na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa employment agency ni Melissa para alamin ang estado nito sa Saudi.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *