Palengke ng San Narciso isasara sa una at ikalawang linggo ng Mayo

SAN NARCISO- Isasara sa una at ikalawang Linggo ng Mayo ang pamilihang bayan ng San Narciso.

Ito ay matapos na mapagkasunduan ng Municipal Inter-Agency Taskforce para maiwasan ang pagkalat ng covid-19.

Nakita umano kasi ng Lokal na Pamahalaan na tuwing Linggo kung kaiLan market day ay napakarami ng tao dito na hindi nag-oobserba ng minimum health and safety protocols.

Dahil dito at alinsunod sa Executive Order No. 2021-002 ay napagkasunduan na pansamantalang isara ito sa nabanggit na dalawang magkasunod na araw ng Linggo.

Nais ng IATF na wala nang tamaan pa o mabawasan na nahahawaan ng covid-19//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of one or more people and hair

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *