Palit-manok modus, nabisto ng NBI sa Bulacan

Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Bulacan ang sampung lalaking sangkot sa tinatawag na palit-manok modus.

Ang sistema – nanakawin ang mga i-de-deliver na manok sa mga planta at papalitan ng mas maliit na manok.

Bago ito, nakipaghabulan pa sila sa NBI at binangga pa ang sasakyan nito.

Batay sa imbestigasyon, lumihis sa ruta ang truck at pinalitan ng mga kasabwat nito ang nasa 500 manok.

Nagkasa ng operasyon ang NBI matapos magsumbong ang isang planta na substandard ang marami sa mga manok na inihahatid sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *