PALUSOT lang daw ang dahilan ng Palasyo kung bakit ‘di holiday ang EDSA Revolution -Rep. Manuel

Hindi umubra sa Makabayan bloc lawmaker na si KABATAAN party-list Rep. Raoul Manuel ang naging dahilan ng Palasyo kung bakit hindi idineklarang special non-working holiday ang paggunita ng EDSA People Power Revolution Anniversary sa susundo na taon.

Una na kasing sinabi ng Office of the President na kaya raw hindi ito naging holiday ay dahil pumatak ito sa araw ng Linggo.

Sa usapin naman kung bakit naging holiday ang Feast of the Immaculate Conception of Mary sa December 8 kahit araw din ito ng Linggo – sinabi ng Palasyo na legislated daw kasi ito, habang ang EDSA Anniversary ay sa pamamagitan naman ng executive order.

Sabi ni Manuel – isa raw itong malaking #Palusot.

Inihalimbawa ni Manuel noong 2018 na pumatak din naman ng Sunday ang paggunita sa EDSA ngunit idineklara pa rin itong holiday noong Duterte adminsitration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *