Pamahalaan, nakatutok sa paglikha ng mas maraming trabaho-NEDA

//JC

Mahigpit na tinututukan ngayon ng pamahalaan ang paglikha ng mas maraming trabaho na siyang magpapalakas naman sa labor force ng bansa.

Ayon kay NEDA Secretary Arsenio Balisacan, patuloy ang pagsisikap ng pamahalaan para mapalago ang ekonomiya ng bansa na magreresulta sa paglikha ng mas maraming mga trabaho.

Pinagaganda rin ng pamahalaan ang business climate ng bansa, na layuning makahikayat pa ng mas maraming mamumuhunan.

Dagdag pa ni Balisacan, na sa pag-apruba ng Senado sa Public-Private Partnership Act at dahil sa National Innovation Agenda and Strategy Document 2023-2032, inaasahan ang mas masiglang oportunidad sa Philippine labor market.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *