Pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes, naglabas ng E.O hinggil sa mga bagong requirements at pagpatupad ng mas mahigpit na border checkpoint

BICOL—Dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa islang lalawigan ng Catanduanes maging sa mga karatig na lalawigan sa loob ng Bicol Region, ipinag utos ng pamahalaang panlalawigan ang pagpapatupad ng mas mahigpit na border control checkpoint gayundin ang mga karagdagang requirements para sa mga nais pumasok at lumabas sa islang probinsiya.

Batay sa Executive Order No.   14 Series of 2021 na ibinaba ni Gov. Joseph Cua, gagawing mandatory ang pag-presenta ng “S-Pass” o pagkakaroon ng “s-pass.ph account” para sa lahat ng mga papasok at lalabas sa probinsiya.

Laman ng naturang “S-PaSS account” ang ilang impormasyon ng biyahero tulad ng kanyang buong pangalan; cellphone number; address; edad at iba pa, para makatulong sa mabilisang contact tracing kung kinakailangan. Kung sakali man na walang access sa gadget o internet ang pasahero, maaaring humingi ng asistensiya sa  Border Control and Management Team sa Tabaco Port.

Kailangan ring mag secure ng Travel Coordination Permit para sa mga papasok ng isla, habang required pa din ang pag presenta ng negative RT-PCR, Antigen o Saliva Test result ng mga LSI, APOR at mga ROFs.

Samantala, hindi naman tatanggapin ang negatibong rapid antibody test at tatanggalin na rin ang pag proseso ng Letter of Exemption.

Ang mga nasabing polisiya ay ipinatupad alinsunod sa reclassification ng ilang lugar sa Bicol bilang high risk areas ng COVID-19.##

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *