Pamahalaang panlalawigan ng Catanduanes, naglabas ng travel guidelines para sa mga APOR na papasok sa probinsya

BICOL—Naglabas ng travel guidelines ang Provincial Local Government Unit of Catanduanes para sa mga APOR o Authorized Person’s Outside Residence na papasok sa islang lalawigan.

Batay sa Memorandum Order No. 139 series of 2021, tatlong mga dokumento lamang ang kinakailangang i-presenta ng mga APOR at kabilang dito ang Valid Travel o Mission Order; Company ID at Date of Return.

Ang mga APOR na magmumula sa mga National Government Agencies ay exempted o hindi na kinakailangan pang mag presenta o magpakita ng negatibong resulta ng RT PCR Test. Samantala, ang mga APOR namang walang kumpletong dokumento tulad ng mga paunang sinabi ay ikukunsidera bilang Locally Stranded Individuals o LSI at required ang mga itong magpakita ng negatibong COVID-19 test result gayundin ang mga APOR na hindi magmumula sa anumang ahensiya ng pamahalaan.

Ang naturang polisiya ay alinsunod sa IATF-MEID Omnibus Guidelines na ipinapayong ipasunod ng bawat lokal na pamahalaan lalo na ang mga probinsiya na may mataas na kaso NG COVID-19.

Kahapon, araw ng Martes ay 20 panibagong kaso ng sakit ang naitala sa islang probinsiya kung saan 11 sa mga ito ang mula sa kabiserang bayan ng Virac; tig-tatlo ang mga bayan ng Caramoran at San Andres; dalawa sa Baras habang isa naman sa bayan ng Bato.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *