‘Deployment ng 1M Sinovac doses, di pa nasisimulan dahil sa kakulangan ng dokumento’

Hindi pa umano nasisimulan ng Department of Health (DOH) ang pamamahagi ng bagong dating na Sinovac COVID-19 vaccine doses dahil di pa nagsusumite ng certificate ang Chinese manufacturer.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, di pa nire-release ng Sinovac ang certificate of analysis para sa karagdagang isang milyong doses na ipinadala sa bansa noong nakaraang linggo.

Aniya, di pwedeng ipadala ang mga bakuna hangga’t di kumpleto ang mga papeles.

Mababatid na noong nakaraang buwan, na-delay din ang pamamahagi ng Sinovac doses sa vaccination sites dahil wala pa rin ang parehong certificate.

Samantala, sinabi ni Vergeire na nakatakda nang isagawa ang deployment ng 2.2 milyong Pfizer vaccines na idineliver sa Pilipinas kamakailan.

Sinabi ni Vergeire na ang 40 percent ng bagong dating na Pfizer shipment ay dadalhin sa Metro Manila, Metro Cebu, Metro Davao, Bulacan, Cavite, Pampanga, Laguna, Batangas, at Rizal, kung saan mataas ang infections.

Ang nalalabing 60 percent naman ay ide-deploy sa ibang areas na mayroon ding mataas na kaso ng COVID-19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *