Pamamahagi ng ayuda sa 23-M na mga benepisyaryo na naapektuhan ng ECQ kamakailan, pinalawig pa hanggang May 15

Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagpapalawig sa pamamahagi ng ayuda sa mga residenteng naapektuhan ng ipinatupad na dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ) kamakailan sa NCR plus.

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na gagawin ang pamimigay ng ayuda hanggang ika-15 ng Mayo ngayong taon.

Ito aniya ay para maipamahagi sa lahat ng 23 milyong benepisyaryo ang tig- isang libo hanggang apat na libong piso cash assistance sa mga low income families.

Una nang sinabi ng Malacañang na huwag idaan sa electronic payouts ang pamimigay ng ayuda dahil ayaw ni Pangulong Duterte na mabawasan pa ang maliit na halaga ng nasabing cash assistance.

Matatandaan na nasa 23 mga local government units mula sa NCR plus ang humiling na i-extend ang nasabing pamamahagi ng ayuda.

Leave a Reply

Your email address will not be published.