Pamamaril sa Filipino lawyer sa Philadelphia, posibleng kaso ng ‘mistaken identity’

Posibleng kaso ng mistaken identity ang naganap na pamamaril sa isang Pilipinong abugado sa Philadelphia.

Ayyon kay Philippine Consulate General for New York na si Elmer Cato, sinabi umano ng mga imbestigador na maaaring nagkamali ng target ang mga namaril sa insidente.

Posible umanong pareho ang sasakyang ginamit ni Atty. John Albert Laylo, tska ang sasakyan ng target ng mga suspek.

Sa kasalukuyan, humingi na ng meeting si Cato kasama ang mga police officials para malaman ang status ng imbestigasyon.

Samantala, sa hiwalay naman na tweet ni Philadelphia Mayor Jim Kenney, tinawag nito na ‘unacceptable’ ang naganap na pamamaril.

Umapela rin ito sa mayroong mga makapagbibigay impormasyon sa krimen na kaagad na mag-ulat sa mga kinauukulan.

Samantala, nagsagawa naman ng memorial vigil ang Filipino Community sa labas nbg Penn Presbyterian Medical Center kung saan binawian ng buhay si Atty. Laylo.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *