Pamamasyal at pagpunta sa mga pampublikong lugar sa Clark Freeport Zone, ipinagbabawal muna simula sa September 1

Mahigpit na ipagbabawal simula September 1 ang pamamasyal o pagpunta sa mga pasyalan sa loob ng Clark freeport zone.

Ito ay alinsunod sa inilabas na notice ng Clark Development Corporation o CDC, kung saan bawal muna ang pagpunta sa mga park at open space area.

Ipinagbabawal din dito ang outdoor sports, individual, group, and recreational activities.

Ayon sa pamunuan ng CDC, ipinatupad ito dahil marami ang sumusuway sa mga health and safety protocols.

Samatala, inaasahan namang magtatagal ito hanggang September 15.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *