Pamilya ng isa sa mga biktima ng bumagsak na eroplano sa Iba, binisita ang mga sumagip na mangingisda

Nagtungo sa Barangay Sto. Rosario, Iba, Zambales ang pamilya ng isa sa mga biktimang piloto sa pagbagsak ng eroplano sa lugar nakaraang Huwebes.

Binisita ng mga ito ang mga mangingisda na unang sumagip sa mga biktima at dinalhan ng tulong.

Ayon sa mangingisdang si Michael Mendoza na unang sumagip sa mga piloto, nagulat na lamang sila bandang alas nwebe ng umaga kahapon nang sorpresahin sila ng magulang at kapatid ng biktima.

Nagdala umano ng mga pagkain, namigay ng mga damit at nagkaroon ng thanks giviing sa kanilang lugar bilang pasasalamat sa kaligtasan ng anim na mga biktima.

Labis naman ang pasasalamat ni Mendoza sa pamilya ng kanilang tinulungan sa pag-alala sa kanilang mga mangingisda.//Russell Banawa-BNFM IBA

Photo Courtesy: Michael Mendoza

May be an image of 2 people and text that says 'Lazada Buy now at Did you know know? that vitamin C can be of help in reducing the risk of catching a cold or reduce the length span of cold symptoms? ASCORBIC ACID (as Calcium Ascorbate) GUARD-C Û.aa-'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *